CNPPO nagpapalala sa publiko, turista at mga  biyahero na magdoble ingat bunsod ng sunod sunod na naganap na aksidente nitong semana santa sa Camarines Norte 

CAMARINES NORTE- Nagpaalala sa lahat ng mga mamamayan pati na rin sa mga dayuhan at turista na magtutungo sa probinsya ng Camarines Norte ang Camarines Norte Police Provincial Office

Ito’y bunsod na rin ng mga sunod-sunod na aksidente na naganap nitong nakaraang semana santa

Ayon kay CNPPO Provincial Director PCOL JULIUS D GUADAMOR, gawin ang dobleng pagiingat para sa mga sarili lalo na ngayong patuloy na nagdadagsaan ang mga tao upang magtungo sa magagandang tourist spots sa probinsya

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dagdag ng opisyal, hindi sila magsasawang magpa-alala na sumunod ang lahat  sa mga batas trapiko at ibayong pag-iingat sa sarili ang gawin.

Payo rin nito sa mga maliligo sa mga swimming pools, mga ilog at lalo na sa dagat, iwasan na pumunta sa malalim na bahagi lalo na at hindi kabisado ang lugar.

Habang sa mga magulang tiyakin ang patnubay at gabay sa kanilang mga anak at sa mga kasamang  kabataan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa mga maglalakbay naman na sa mga lokal na turista at iba pang dumarayo sa probinsya, hiniling ni Guadamor na sumunod ang mga ito sa mga dapat at hindi dapat gawin at sa mga paalala upang makaiwas disgrasya.

Hingiin rin nito  ang gabay ng Poong Maykapal sa pang araw-araw na pamumuhay at paglalakbay.