CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 16, 261 ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID- 19 sa bayan ng Mercedes Camarines Norte
Sa bilang na ito 9, 270 ang nakatanggap na ng first dose habang 6, 991 naman ang nakatanggap na ng iklawang dose.
Patuloy din ang pagbabakuna sa naturang bayan at kasama na rin ang pediatric population o mga batang edad 12 – 17 anyos.
Sa susunod na linggo mayroon ding bakunahan kaya’t hinihimok ang mga hindi pa nababakunahan na magpalista sa pinakamalapit na Barangay Health Center o sa mga nakatalagang Barangay Health Worker, Nurses at Midwives.
Sa November 23 ay mayroong pagbabakuna na gaganapin sa Pambuhan Elementary School at Mercedes Evacuation Center sa Barangay San Roque na magsisimula alas 8 ng umaga.
Mayroon ding bakunahan sa November 25 at 26 sa Mercedes Evacuation Center.
Ang fully vaccinated individuals ay exempted na sa antigen test at RT- PCR test sa pagpasok sa Camarines Norte.
Patuloy din ang pagbabakuna sa iba’t- ibang bayan.
