Bilang ng mga magsasaka na apektado ng El Niño, pumalo na sa 80K

Pumalo na sa 5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño.

Pinaka malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000.

58 thousand hectares naman ng palayan ang naapektuhan ng matinding tag-tuyot.

Samantala umabot na sa 2.18 billion pesos ang naipamahaging ayuda at interventions ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Kabilang dito ang rice farmers financial assistance o ang pamamahagi ng 5,000 pesos sa bawat magsasaka na may sinasakang palayan na hindi tataas sa dalawang ektarya.

Nakapamahagi na rin ng 700 million pesos na halaga ng mga inputs tulad ng pump and engine, 68 million naman ang naipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation para sa indemnification o insurance claim, at mahigit sampung milyong piso naman ang naipamahagi ng Agricultural and Credit Policy Coucil para sa Survival at Recovery loan.

Ang National Irrigation Administration o NIA ay may inilabas na ring 300 million pesos para sa intervention sa mga irigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *