Kagamitang pandigma ng rebeldeng grupo, natagpuan sa Gattaran, Cagayan

Narekober noong Martes ng pinagsanib na puwersa ng Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) ng 86th Infantry (Highlander) Battalion , 17th Infantry (Do or Die) Battalion, Cagayan PNP EOD Team, 2nd PMFC, at PNP Gattaran, Cagayan ang ibat ibang gamit pandigma at iba pang kagamitan ng komunistang grupo sa Sitio Anipan, Brgy Mabuno, Gattaran, Cagayan.

Kabilang sa mga nadiskubreng kagamitan ay isang (1) Live Grenade Rifle, M76 with bull trap; isang (1) bote ng ammonium nitrate fuel oil na may commercial detonating cord; isang (1)12V motorcycle battery (superlite); kalahating kilo ng ammonium nitrate; isang (1) litro ng gasolina; isang (1) Electric blasting cap, isang (1) toggle switch na may baterya at snap alligator clip; limang (5) metro ng automotive wire (0.75mm) black; isang (1) cellphone charger; at isang (1) set ng first aid kit.

Kaugnay nito, pinuri ni BGen Eugene M.Mata, Commander, 502nd Infantry (Liberator) Brigade ang mga residente sa kanilang pakikipagtulungan sa gobyerno at patuloy pa rin ang kaniyang panawagan sa mga natitira pang miyembro ng Komiteng Rehiyon, Cagayan Valley (KR-CV) na sumuko na sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *