Bilang ng mga ipinanganak na lalaki sa Camarines Norte mas marami kaysa sa mga babae noong 2021, bilang rin ng pagkamatay mas mataas sa mga lalaki

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 12, 005 ang bilang ng mga ipinanganak sa lalawigan ng Camarines Norte mula Enero hanggang Disyembre 2021.

Batay sa Vital Statistics data ng Philippine Statistics Authority (PSA) mas marami ang ipinanganak na lalaki na nasa 6, 170 kaysa sa mga babae na nasa 5, 835.

Ang Daet ang may pinakamaraming naitalang ipinanganak na mayroong 5, 739 na sinusundan ng Labo na may 1, 900 at Jose Panganiban na mayroong 1, 146.

Pinakakaunti naman ang naitalang ipinanganak sa San Lorenzo Ruiz na mayroong 30 at Talisay na mayroong 35.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nasa 2, 285 ang mga ikinasal sa naturang panahon kung saan pianakamarami pa rin sa Daet.

Sa bilang na ito ay mas marami ang piniling mag civil wedding na may 1, 216 at 860 naman ay piniling magpakasal sa simbahan.

Mas marami ang nagpakasal  sa mga buwan ng Abril, Hunyo at Mayo,

Nasa 5, 294 naman ang naitalang namatay pero ang actual death sa naturang panahon ay nasa 5, 120 at ang nairehistro ay 5, 143 habang ang fetal deaths naman ay nasa 151.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Mayroon late entry sa registration kaya nagkakaiba ang mga numero

Kung mas marami ang ipinapanganak na lalaki, ito rin ang nakapagtala ng mataas na bilang ng pagkamatay.

Nasa 2, 899 ang naitalang namatay na lalaki habang 2, 244 naman ang naitalang namatay na mga babae.

Ang nangungunang immediate cause of death ay Cerebrovascular disease.

Pagdating naman sa antecedent at underlying cause of death ay nangunguna ang hypertension.