LEGAZPI CITY – Umabot na sa 20, 146 ang nagkaroon ng tuberculosis sa Bicol Region sa taon 2021.
Ito ang Kinumpirma ni Lilian Rose Contessa Encisa, Senior Health Program Officer ng Department of Health (DOH) Bicol sa ginawang media dialogue kahapon.
Ayon kay Encisa, sa tala ng DOH Bicol 34, 309 ang Tuberculosis Cases Target sa nasabing rehiyon.
Aabot sa 8577 ang preventive treatment target ng ahensya kung saan nasa 190 pa lang ang kanilang accomplishement. Ang tuberculosis ay isang nakakahawang sakit na dulot ng Mycrobacterium Tuberculosis.
Ang TB ay maaaring makasira sa baga o sa ibang bahagi ng katawan ng tao at maging sanhi ng malubhang sakit.
Nakakahawa ito sa pamamagitan ng pag-ubo o bahing, pagdura at pakikipag-usap.
Ilan sa mga sintomas ng TB ang pag-ubo na tumatagal ng mahigit na dalawang linggo, lagnat, hindi maipaliwanag na pamamayat at pagpapawis sa gabi.
Sinabi ng opisyal ang sakit ay malalaman lamang kung dumaan sa mga pagsusuri tulad ng pagsusuri sa plema at MTB/Rif Assay o GeneXpert test.
Pero ayon sa DOH, ang TB ay naiiiwasan at nagagamot.
Maiiwasan ito sa pamamagitan ng pagsunod sa cough etiquette katulad ng pag-ubo sa loob ng kwelyo, pagtatakip ng bibig gamit ang manggas at regular na paghuhugas ng kamay.