Ilang mga barangay sa Sultan Kudarat, binaha; ilang mga residente, nagsilikas

KORONADAL CITY — DALAWANG barangay sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat ang lumubog sa tubig-baha dahil sa malakas na buhos ng ulan nitong mga nakaraang araw na naging dahilan ng pagsilikas ng mga residente.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Bagumbayan Mayor Jonalette De Pedro, kinumperma nitong lubog sa tubig-baha ang ekta-ektaryang mga taniman ayon na rin sa initial assessment na ginawa ng mga ito gamit ang drone.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Maliban dito, kinumperma ng alkalde na 25 pamilya ang nirescue matapos naging isla na ang kanilang lugar sa Barangay Sison habang 30 pamilya naman ang isinailalim sa forced evacuation sa Barangay Biwang dahil pa rin sa pagbaha.

Maliban sa 30 pamilya, may halos 400 indibidual din sa ngayon mula sa Barangay Biwang na nasa evacuation center.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kinumperma din ni De Pedro na nagsimula na silang mamigay ng mga food packs sa mga apektadong residente.

Maliban sa Bagumbayan, inilikas din ang 56 na pamilya mula naman sa Barangay Bambad sa bayan ng Isulan sa lalawigan pa rin ng Sultan Kudarat.