Bilang ng mga dengue cases nitong Hunyo – muling lumobo sa 30%

Tumaas pa ng 30% ang bilang ng mga dengue cases as of June 29.

Ito ay sa gitna ng panahon ng tag-ulan.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), mula sa 6,323 dengue cases na naiulat noong may 19 hanggang June 1 – pumalo na sa 8,246 ang mga kaso simula June 2 hanggang June 15.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon sa DOH, tumataas ang bilang ng naturang kaso dahil sa madalas na pag-ulan.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Dahil kasi rito, maraming tubig ang naiipon, na siyang napangingitlugan ng mga lamok.

Sa pagsisimula ng taon, kabuoang 90,119 na ang mga indibidwal na tinamaan ng dengue, kung saan 223 dito ang nasawi.