Bilang ng mga apektado ng mga sama ng panahon sa bansa, umaabot na sa mahigit 800K

Umaabot na sa higit 800 libo ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng sama ng panahon sa bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, lumobo pa sa 866, 483 individuals ang apektado ng southwest monsoon, ng nagdaang bagyong butchoy at ngayo’y bagyong Carina sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Regions 6, 7, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Katumbas ito ng 179 , 744 families mula sa 642 bgys ng mga nabanggit na rehiyon.

Mula sa nabanggit na bilang ng mga apektado, 33, 645 individuals o katumbas ng 7, 738 families ang nananatili ngayon sa 56 na mga evacuation centers.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Samantala, nananatili sa 8 ang bilang ng naiulat na nasawi dahil sa masamang panahon, 7 dito ang kumpirmado habang 1 ang patuloy pang bina-validate.

Umaabot na ng 29 million pesos ang halaga ng tulong naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong rehiyon.