Mambabatas, idiniing dapat pa ring idaan sa legislation ang pag-ban sa POGO

Winelcome ni Kabataan party-list Representative Raoul Manuel ang naging kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA na i-ban na nang tuluyan ang mga POGO sa bansa.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Manuel, sinabi nitong kamakailan ay may naihain na rin silang panukala para maging ilegal na ang operasyon ng mga POGO hubs.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Kasabay nito, nanindigan si Manuel na hindi sapat ang naging anunsyo ng Pangulo hinggil dito sa kanyang SONA.

Aniya, dapat ay may kasulatan pa rin ito at proper legislation.