Ilang nagpopositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Basud nasa bahay na lang dahil puno na ang TTMF

CAMARINES NORTE- Nasa bahay na lang ngayon ang ilang nagpopositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte dahil puno na ang Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) ng Lokal na Pamahalaan na matatagpuan sa Barangay Taisan.

Kasunod yan ng paglobo ng mga naitatalang kaso ng sakit simula noong mga nakaraang araw.

Tiniyak naman ni Mayor Adrian Davoco na sinusunod ng LGU ang guidelines ng Department of Health sa home quarantine.

Batay sa case bulletin ng LGU umaabot na sa 279 ang kabuung bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID- 19 at sa bilang na ito ay 38 ang aktibong kaso.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Hindi pa kasama sa bilang na ito ang bagong apat na kaso na iniulat ng DOH kahapon.

Huling nakapagtala ng mataas na kaso ng sakit sa naturang bayan noong September 2021 na mayroong 72.

Sa pagpasok naman ng Enero ngayong taon ay nasa 45 kaso agad ang naitala.

Umaabot sa 223 ang bilang ng mga gumaling sa sakit habang nadagdagan naman ang bilang ng mga nasawi na mayroon nang 18.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dahil sa mga panibagong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan at sa buong lalawigan umapela ang LGU sa bawat isa na makiisa sa mga hakbang na ipinatutupad ng probinsiya.

Ito ay upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng infection lalo na ngayong nagkakasakit na rin ang mga doktor at nurses.

Kahapon ay inanunsiyo ng Camarines Norte Provincial  Hospital na pansamanatala muna itong hindi tatanggap ng pasyente simula ngayong araw hanggang sa Lunes ng tanghali.

Para ito sa isasagawang disinfection sa lahat ng pasilidad ng ospital.