Tumaas na sa kabuoang bilang na 211 ang fireworks-related injuries, kasunod ng bagong 74 cases na naiulat ng Department of Health.
Base sa surveillance report, ang naturang bilan ay 16% na mas mataas kumpara sa 182 cases na naiulat noong 2021, habang 30% na mas mababa naman daw ito sa five-year average na 300 cases sa kaparehong panahon.
102 rito ang nagmula sa National Capital Region, 25 mula sa Western Visayas, at 20 naman mula sa Luzon.
May mga naitala ring kaso sa Ilocos Region, Calabarzon, Bicol region, Cagayan Valley, Central Visayas at Soccsksargen.
Sa mga biktima, 76 ang naapektuhan ng paputok sa kamay, 59 ang naapektuhan sa mata, 25 sa ulo, habang 23 katao naman ang natamaan sa braso.
