Bilang ng registered SIM cards, nasa 11.219 million na

Umabot na sa 11.219 million na SIM cards ang nai-register hanggang kahapon, ang ikaanim na araw ng pagpapatupad ng rules and regulations ng SIM Card Registration Act.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sa inilabas na datos ng National Telecommunications Commission (NTC), kabuoang 11,219,722 na ang bilang ng registered SIM cards.

Higit isang milyon dito ay mula DITO Telecommunity Corp., at higit tig-limang milyon naman ang mga rehistradong SIM cards sa Globe Telecom Inc., at Smart Communications Inc.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Samantala, pinaalalahanan ng ahensya ang publiko hinggil sa 180 days na palugit para makapagparehistro ng SIM card, upang maiwasang ma-deactivate ang ito.