Frontman ng Aerosmith na si Steven Tyler, inakusahan ng sexual assault

Nagsampa ng kaso ang isang babae laban sa frontman ng Aerosmith na si Steven Tyler dahil sa umano’y sexual assault , pamimilit ng aborsyon at involuntary infamy noong 1970s noong siya ay menor de edad at nasa mid-20s.

Sinampahan si Smith ng kaso ni Julia Mislet sa Los Angeles County. Ang kaso ay isinampa sa ilalim ng California Child Victims Act, na nagpapahintulot  sa mga survivors ng childhood sexual abused na magsampa ng civil cases.

Ayon sa demanda, unang nakilala ni Mislet si Tyler noong 1973 matapos magperform ng singer sa isang concert sa Portland, Oregon.Noong panahong iyon ay 16 yrs old lamang ito at si Tyler ay 25 yrs old.

Bumili umano si Tyler ng ticket sa eroplano para makasama si Misley sa Seattle sa susunod na palabas ng banda at inabuso umano ito matapos ang show. Nabuntis ito at pinilit umano siya ni Tyler na ipalaglag ang bata.

Sa isang pahayag , sinabi ng mga abogado ni Julia Mislet na ang pagbabago sa batas ang humimok sa kaniya na gumawa ng legal action laban sa singer.//CA