CAMARINES NORTE- Nagpakita ng pagbaba sa bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Daet sa ipinalabas na COVID-19 Briefer ng Daet Emergency Operations Center as of October 22, 2021, 5:00PM
Base sa ulat, bumaba na sa 73 ang aktibong kaso ng sakit kung saan 38 dito ang nagpositibo sa RT- PCR test at 35 ang nagpositibo sa Rapid antigen Test
Umakyat naman sa 928 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit
Habang naitala ang 60 sa total death case
Ang 60 pagkasawi ay naitala mula sa 19 na Barangay kung saan ang may pinakamaraming kaso ay nagmula sa mga barangay ng Alawihao, Camambugan at Lag-On na may tig-a-anim na kaso
Kasalukuyan namang may 1,026 ang total case ng Daet at 105 ang under monitoring ng EOC.

