Lilimitahan sa 1500 ang bilang ng mga babakunahang 5-11 years old sa kada araw sa Olongapo.
Ito ay sa oras na magsimula na ang pediatric vaccination sa lungsod na makailang ulit nang naipagpaliban dahil sa kawalan ng suplay ng vaccine.
Ayon kay Health Officer Dr. Doods Bustamante,hindi maaring lumampas sa 1,500 ang mga babakunahan sa bawat araw dahil tiyak na madodoble ang bilang ng mga pupunta sa vaccination sites kasama ang mga magulang o guardian.
Kahapon, 1,700 doses pa lang ng bakuna para sa age group ang dumating sa Olongapo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
