NAGA CITY—Itinalaga ng Department of Transportation bilang officer-in-charge ng Philippine Coast Guard ang Bikolanong si Vice Admiral Eduardo Fabricante.
Si Fabricante ay tubong Goa, Camarines Sur na miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1989.
Nagsilbi rin ito bilang Deputy Commandant for Operations ng PCG bago na-appoint bilang OIC. Pinalitan nito ang nagretiro ng si CG Admiral Leopoldo Laroya bilang ika-29 na PCG Commandant. Mismong si DOTr Secretary Art Tugade ang nanguna sa seremonya sa PCG Headquarters sa Maynila.
Proud naman ang kaniyang mga kababayan.