Bike, bumangga sa water tanker sa Gumaca, Quezon; Rider, kritikal

Malubhang nasugatan ang isang bicycle rider matapos sumalpok ang minamaneho nito sa nakaparadang water tanker sa Barangay Progreso, Gumaca, Quezon nitong Linggo, Mayo 20.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, binabagtas noon ng bisikleta ang pababang bahagi ng daan nang mawalan ito ng kontrol dahil sa sirang preno saka sumalpok sa nasabing water tanker na pansamantalang nakaparada sa lugar.

Nagtamo ng matinding injury sa ulo ang biktima kaya isinugod ito sa hospital para magamot.

Sa ngayon, isinarado na ng awtoridad ang nasabing kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *