9 na lungsod sa Pilipinas kabilang sa 1,000 global urban economies

Pasok ang siyam na lungsod sa Pilipinas sa largest urban economies sa buong mundo.

Nakuha ng Manila ang ika-256 na pwesto, 436 sa Cebu, habang 487 naman sa Cagayan de Oro at nasungkit din ng Davao City ang ika-500 na pwesto.

Napabilang din sa largest urban economies ang Angeles City, Bacolod, Dagupan, Zamboanga, at General Santos.

Ayon sa Oxford Economics Global Cities Index, binase nila ang ranggo sa limang kategorya tulad ng ekonomiya, human capital, kalidad ng buhay, kapaligiran, at governance.

Samantala, nanguna sa 2024 Global Cities Index ang New York, sinundan ng London, San Jose, Tokyo, at Paris

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *