COVID-19 Omicron sub-variant, na-detect sa Baguio City

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na na-detect nila ang unang kaso ng COVID-19 Omicron sub-variant na BA.2.12 sa Baguio City.

Ayon sa surveillance systems ng DOH, isang 52-anyos na babae mula sa Finland ang dumating sa Pilipinas noong ika-2 ng Abril.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sinabi ng DOH dumating umano siyang asymptomatic at hindi ni-require na mag-undergo ng routine isolation sa isang quarantine facility dahil fully vaccinated ito.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Samantala, natapos na ng pasyente ang kanyang seven-day isolation at nakauwi na ito sa kanilang bansa noong ika-12 ng Abril matapos maka-recover. || ARGIE ERGINA