Magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng oil price hike sa Martes.
Ito na ang ikaapat na sunod na linggo na nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkahiwalay na advisories ay sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na magtataas ang mga ito ng presyo ng kada litro ng gasolina ng P1.45, diesel ng P1.90, at kerosene ng P1.70.
Ipatutupad rin ng Cleanfuel at Petro Gazz ang mga parehong pagbabago, maliban sa kerosene na hindi kasama sa mga binebenta nito.
Magiging epektibo ang mga pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo ng alas-sais ng umaga sa January 25 para sa lahat ng mga nabanggit na kompanya ng langis maliban sa Cleanfuel.
I-implementa ng Cleanfuel ang mga pagbabago ng alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
