24,938 na bagong COVID-19 cases, naitala

Nairehistro ng Pilipinas ang 24,938 na bagong mga kaso ng COVID-19 nitong Lunes.

Sa ngayon ay nasa mahigit 3.4-million na ang kabuoang bilang ng mga kaso na naitala sa Pilipinas kabilang na ang 262,997 na aktibong kaso.

Ayon sa DOH, 7,944 ang asymptomatic, 250,235 ang mild, 1,499 ang severe, at 309 naman ang critical condition.

Mula naman sa mga napaulat na mga kaso nitong Lunes ay sinabi ng DOH na 24,239 nito o 97% ay naiulat sa nakalipas na 14 na araw o mula January 11 hanggang January 24.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Nanguna sa listahan ng mga rehiyon na may maraming naitalang bagong bilang ng mga kaso ng COVID-19 ang National Capital Region na meron 3,610 infections o 15%, Region IV-A na may 3,382 o 14% at Region VII na may 2,562 o 11%.

Umakyat naman sa 53,519 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 infection kabilang na ang 47 na bagong fatalities.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sinabi ng DOH na mula sa 47, ay nasa 43 ang naitala nitong January 2022, 3 naman noong October 2021, at isa mula September 2021.

Ipinaliwanag ng DOH na dahil ito sa late encoding ng death information sa kanilang system.

Inanunsyo rin ng DOH na nadagdagan ng 35,461 ang bilang ng total recoveries ng bansa na kasalukuyan ay nasa mahigit 3.12-million.