Ngayong araw na ang deadline para sa gma submission nang nais mag-bid para sa rehablitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kaugnay nito – inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na mayroong mga apat ang nag-bid para rito.
Kabilang na diyaan ang Manila International Airport Consortium; Asian Airport Consortium; GMR Airports Consortium; at ang San Miguel Corporation.
Ang sino mang mananalo sa P170Billion rehabilitation project ay inaasahang iaanunsyo sa unang kuwarter ng 2024.
Maaalalang sa pag-uumpisa pa lamang ng 2023, sinalubong ng aberya ang naturang paliparan matapos ang technical glitch na nakaapekto sa libu-libong mga pasahero.