PBBM, ni-rename ang 8 walong PNP camps

Naglabas ng proclamation number 429 at 430 si Pangulong Bongbong Marcos kung saan ipinangalan at binago ang pangalan ng nasa walong kampo at ari-arian ng Philippine National Police o PNP.

Ang dalawang pahinang Proclamation No. 429, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Disyembre 20, naka saad na nararapat na bigyan ng karangalan ang mga dating pulis na nagpakita ng huwarang serbisyo at dedikasyon sa paglilingkod sa mga lalawigan at munisipalidad kung saan sila na-assigned.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Pinangalanan ng Pangulo ang donasyong lote sa PNP sa Pasacao, Camarines Sur bilang Camp Brigadier General Ludovico Padilla Arejola; ang naibigay na lote sa PRO-5 bilang Camp Captain Salvador Jaucian del Rosaro, Sr; at ang Camarines Sur Police Provincial Office bilang Camp Colonel Juan Querubin Miranda.

Pinangalanan din ng Pangulo ang 50th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 5 bilang Camp Police Max Jim Ramirez Tria, habang pinalitan ang Camp Efigenio C Navarro, ng PRO MIMAROPA Headquarters bilang Camp Brigadier General Efigenio C Navarro.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe


Sa Proclamation No. 430, ang Police Regional Officer 12 ng General Santos City ay pinalitan ng Camp General Paulino T. Santos, Police Regional Office 12 at ang Biliran Police Provincial Office bilang Camp Private Andres P. Dadizon, Police Regional Office 8.

Habang ang Camarines Sur 1st Provincial Mobile Force Company Headquarters ay tatawagin na bilang Camp 2LT Carlos Rafael Paz Imperial, Police Regional Office 5.
(FILE | PRO-12 PHOTO)