Bicolanong Kongresista sa IATF: “Negative Antigen test na lamang ang hingin sa mga biyaherong fully vaxx papasok ng Cat’nes”

BNFM BICOL–  Umapela ang isang bicolanong kongresista sa  Inter Agency Task Force at sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Catanduanes na tanging negatibong resulta na lamang ng Rapid Antigen Test, ang hinging travel requirement sa mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.

Batay sa inihaing House Resolution No. 2285 ni Cong. Jose Teves Jr. nakasaad dito ang hinggil sa pag isyu ng IATF ng Resolution No. 142 na nagpapahintulot sa ‘interzonal movement’ ng mga biyahero, kaakibat ang istriktong pagsunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng uuwiang LGU.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sakabila kasi nito, ay requirement pa rin sa ibang mga lokal na pamahaalaan, ang negatibong resulta ng RT-PCR test ano man ang vaccination status ng biyahero.

Naniniwala umano ang kongresista na dagdag kalbaryo para sa mga umuuwing residente ng lalawigan ang pagpapa swab test na bukod sa mahal at may kataasan ang presyo, ay matagal pa ang proseso.

Upang maibsan kahit papaano ang pasaning ito ng mga biyahero at masiguro pa rin ang seguridad ng probinsya kontra COVID-19, iminumungkahi ng opisyal na tanging Rapid-Antigen Test na lamang ang hingin para sa mga fully vaccinated travelers papasok ng Catanduanes.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaugnay nito, inanunsiyo ng Catanduanes Incident Management Team na sa ngayon, ay hindi nagbago ang mga hinihinging requirement sa pag pasok sa probinsya.

Nananatiling valid government-issued ID at NEGATIVE RT PCR test result ang kailangan upang makapasok at upang ma-aprubahan sa S-PASS.###