Bicol region nagtala ng mataas na COVID-19 recoveries ngayong araw

BICOL—Umabot na sa kabuuang 27,715 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 334 na mga bagong gumaling.

100 nito ay mula sa Naga City, 97 sa Camarines Sur, 59 sa Sorsogon, 48 sa Masbate, 20 sa Camarines Norte at sampo sa Catanduanes.

Samantala, umaabot na sa 42, 247 ang total cases ng sakit sa rehiyon matapos magtala ng 197 na mga bagong kaso.

158 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 27 ang mula sa bayan ng Pili, 21 sa Goa, 15 sa Bula, 13 sa Canaman, 11 sa Naga City, sampo sa Iriga City, tigwawalo ang Minalabac, Pamplona at Tigaon, tig-aanim ang Baao, Libmanan, Milaor at San Fernando, lima sa Bombon, tatlo sa Calabanga, dalawa sa Nabua at tig-iisa ang Bato, Buhi at Tinambac.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

21 ang bagong kaso sa Albay kung saan 15 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tigdalawa ang Ligao City at Malilipot at tig-iisa ang Bacacay at Manito.

12 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tigtatlo ang Daet at Labo, tgdalawa ang Sta Elena at Talisay at tig-isa ang Paracale at San Lorenzo Ruiz.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Apat ang bagong kaso sa Masbate kung saan tatlo nito ay mula sa Masbate City at isa sa San Fernando habang tig-isang kaso naman ang Catanduanes na mula sa bayan ng Pandan at ang Sorsogon na mula naman sa Magallanes.

Samantala, pumalo na sa 1,284 ang death toll ng COVID-19 sa rehiyon matapos magtala ng 13 na mga bagong nasawi kung saan anim nito ay mula sa Camarines Sur, apat sa Naga City at tatlo sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm