41 indibidwal dinakip at pinagmulta re: hindi pagsusuot ng face mask sa Camalig, Albay

BICOL—Nasa 41 indibidwal ang nasampolan sa implementasyon ng face mask ordinance sa Camalig, Albay sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Ang mga nasabing indibidwal inisyuhan ng citation tickets at pinagmulta ng mula P1,000.00 hanggang P2,500.00 alinsunod sa umiiral na ordinansa sa bayan.

Ang istriktong pagpapatupad sa nasabing ordinansa parte ng agresibong hakbang ng lokal na gobyerno laban sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan nasa kritikal na ang estado ng bayan alinsunod sa Provincial Health Office (PHO).

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 2021-15 o “An Ordinance Requiring the Mandatory Wearing of Face Masks in Public Places”, ang mga mahuhuli na walang facemask habang nasa pampublikong lugar papatawan ng multang P1,000.00 para sa 1st offense, P1,500.00 para sa second offense at P2,500.00 at sampong araw na pagkakakulong depende sa diskresyon ng korte base sa Republic Act No. 11362 para sa 3rd offense at mga susunod pang paglabag.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Abril 27 nitong taon nang maipasa sa Sangguniang Bayan ng Camalig ang nasabing ordinansa na layuning mapalakas ang pagpapasunod ng minimum public health standards base sa itinakda ng Department of Health (DOH).

Maliban sa regular ordinance enforcement operations, patuloy din na minomonitor ng Camalig MPS ang mga komunidad at iba pang high-traffic areas upang matiyak ang pagsunod ng publiko sa mga COVID-related protocols partikular ang curfew hours at liquor ban alinsunod sa Executive Order No. 39, s. 2021.### || slm