KORONADAL CITY- SUMUKO ang pitong New People’s Army o NPA sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat noong nakaraang araw.
Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang pitong high-powered firearms na itinurn-over sa 7th Infantry TAPAT Battalion ng AFP.
Miyembro umano ng Platoon My Phone ng East Daguma Front, South Regional Command– Daguma, Far South Mindanao Region ang mga sumukong rebelde.
Naisakatuparan umano ang pagsuko ng mga ito sa pamamagitan ng masusing Community Support Program o CSP operation ng 7IB kabilang ang Information Education Campaign na nagbibigay ng awareness sa mga Indigenous Peoples o IPs.
