LEGAZPI-Nilinaw ng Land Transportation Regional Office 5 na magsisimula na ngayong buwan ng Nobyembre ang implementasyon ng 10 years validity ng Drivers License sa Rehiyon.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay LTO Bicol Regional Director Francisco P. Ranches Jr., ngayong Nobyembre 16 nakaschedule ang implementasyon na kung saan kasabay ng 10 years validity sa lisensya and pag implementa ng Comprehensive Driver’s Education bilang isa sa pangunahing requirements sa pagrenew ng lisensya.
Aniya, may ipapalabas ang ahensya ng mga tanggapan na maaari silang kumuha ng driving course na aabot sa 5 oras.
Tanging makakakuha lamang ng 10 years validity ang mga drivers na wala ni iang traffic violations.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang mga meeting ng kanilang mga mataaas na opisyal tungkol sa isyu.
Kung maaalala, malaki umano itong tulong partikular na sa mga drivers na walang anumang bayolasyon at malaking tulong na rin para mag-ingat ang mga drivers sa kalsada.