BICOL—Pumalo na sa 249 ang kabuuang kaso ng COVID-19 variants of concern sa Bicol region matapos magtala ng panibagong 66.
Sa pinakahuling Bio Surveillance report ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon, 32 ang nadagdag sa mga kaso ng Beta variant, 27 sa Delta at pitong Alpha strain.
Sa 32 bagong beta variant cases, 16 ang mula sa Albay, anim sa Masbate, lima sa Legazpi City, tigdalawa ang Camarines Sur at Catanduanes at isa sa Sorsogon.
Sa 27 bagong kaso ng Delta strain, walo ang mula sa Camarines Sur, pito sa Sorsogon, anim sa Masbate, tatlo sa Albay, dalawa sa Naga City habang mayroon na ring isang kaso ang Catanduanes.
Sa pitong bagong alpha variant cases, tigdadalawa ang Albay, Masbate at Legazpi City at isa naman sa Camarines Sur.
Sa kabuuan, ang Delta variant ang may pinakamaraming kaso sa rehiyon na umaabot na sa 105, ang Beta variant naman ay nasa 102 habang 42 ang mga kaso ng Alpha variant.
Mababatid na ang Delta variant ay itinuturing na mapanganib at pinakanakakahawa sa lahat ng mga COVID strains.### ||slm