Bicol, nabigyan ng malaking pondo sa ilalim ng PMNP – DSWD Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na isa ang Bicol Region sa buong bansa na nabigyan ng malaking pondo sa ilalim ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP).

Ayon kay DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio, mahigit 722 million pesos ang pondong inilaan sa rehiyon mula taon 2023 hanggang 2024 para sa pagsasaayos at pag-improve ng day care centers sa 60 munisipyo .

Layunin ng PMNP na matulungan ang mga lokal na pamahalaan at mga barangay upang masolusyunan ang problema sa stunting malnutrition sa rehiyon.

Samantala, aabot naman sa 52,629 na pamilya ang nakinabang sa nasabing programa sa buong rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *