NAGA CITY- Arestado ang isang binata na nangikil sa umano’y nakarelasyon nitong guro na miyembro ng LGBTQ Community.
Bandang alas- 4:30 ng hapon ika-9 ng Pebrero 2022, sa Zone 6, Brgy. Triangulo, Naga City sa harap mismo ng Barangay Hall, inaresto ng mga tauhan ng Naga City/ Camarines Sur Provincial Anti- Cybercrime Response Team katuwang ang Police Station 5 ng Naga City Police ang 21-anyos na binatang si alyas “Makisig” residente ng Brgy. Baliwag Viejo, Minalabac, Camarines Sur matapos na kunin ang extortion money na nagkakahalaga ng P20,000.00 sa isang remittance center.
Pera ang kapalit sa hindi pagpapakalat ng umano’y mga larawan ng nakarelasyong 24-anyos na binatang guro na residente ng Barangay Cararayan Naga City ayon kay PLt. Angelo Babagay ng Provincial Anti- Cybercrime Response Team.
Si alyas “Makisig” at ang guro ay nagkakilala online. Ito na ang pangalawang beses na nang blackmail ang suspek. Una ay binigyan ng pera subalit nang maulit lumapit na sa pulis ang paghingi ng pera ay nagdulot ng takot, pagkabalisa at mga gabing walang tulog sa biktima.
Samantala sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMS Toby Bongon, Spokesperson ng NCPO bago nito, nagkakilala aniya ang dalawa sa isang dating app at nagkasundo na magkita sa isang pribadong lugar kapalit ng P1,500. Nakulangan aniya ng bayad ang suspek saka pwersang kinuha ang nasa P3,800 sa loob ng bag ng biktima.
Makalipas ang ilang araw ay tumawag aniya ang suspek sa guro at nanghihingi ng pera dahil kung hindi ay magsasampa ito ng kaso na nagpakilala bilang isang 17 anyos na menor de edad. Gumawa pa aniya ng mga pekeng facebook accounts kabilang ang isang nagpakilalang pulis para takutin ang biktima. Dito na humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad at naikasa ang operasyon kung saan nadiskubre na hindi naman pala menor de edad ang suspek na si “Makisig”.
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Art. 294 Robbery Extortion kaugnay ng RA 10175 “Cybercrime Prevention Act of 2012”