“Bias” sa bakuna malakas pa rin sa American made tulad ng Pfizer

CAMARINES NORTE- Marami na ngayon ang gustong magpabakuna lalo’t unti- unti nang niluluwagan ang restriction para sa mga bakunado.

Patunay dito ang pagdagsa ng mga nagnanais magpabakuna sa iba’t- ibang vaccination center tulad dito sa Camarines Norte.

Tulad na lamang noong isang linggo na madilim pa ay marami nang nakapila partikular sa Gregorio Pimentel Elementary School dito sa Daet.

Gayunman naniniwala ang Department of Health Bicol na malakas pa rin ang vaccine preference at may “bias” sa mga bakunang gawa sa Amerika tulad ng Pfizer.

Kapansin- pansin kasi na kapag Sinovac ay maluwag ang mga vaccination site.

Ayon sa DOH epektibo ang mga Chinese made vaccine tulad ng Sinovac.

Ang pinaka mensahe umano na dapat maunawaan ng publiko ay lahat ng bakuna kontra COVID- 19 ay proteksyon sa pagkakaroon ng critical to severe case ng sakit na maaaring mauwi sa pagkamatay.

Upang kumbinsihin ang iba pang mga nagdadalawang isip na magpabakuna naglabas ng maikling video message nitong Linggo ang 63 anyos na si Dr. Ferchito Avelino, Assistant Regional Director ng DOH Bicol.

Aniya, siya at ang kaniyang pamilya ay bakunado ng Sinovac at protektado kontra COVID- 19.

Hinimok nito ang mga hindi pa nagpapabakuna na lumabas at magpabakuna para protektado sa nakamamatay na sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *