BI: Walang record na nagsasabing umalis ng PH si Peter Lim

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na walang record na nagsasabing umalis ng bansa kamakailan ang suspected drug lord na si Peter Lim.

Si Lim ay subject para sa arrest warrant na inilabas ng Makati City court noong 2018 para sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, maraming kapangalan ni Lim, kung saan may isa dito na umalis ng Pilipinas.

Pero batay umano sa kanilang mahigpit na beripikasyon sa kanilang system, maging ang document matching, si Peter Go Lim, ay walang bagong departure record.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Tiniyak rin ni Sandoval na kahit gumamit pa si Lim ng pekeng pasaporte, ay madedetect parin umano ito ng kanilang equipmet. // MHEL PACIA-TRINIDAD