Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na walang inside job na involve sa isyu ng visa processing scam na tumatarget sa mga foreign nationals.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay BI spokesperson Dana Sandoval, inihayag nito na walang involved na sinomang empleyado ng BI ang sakot sa napapabalitang scam base sa kanilang inisyal na imbestigasyon.
Ayon ng kay Sandoval, nagpapanggap na taga BI ang scammer at ang modus nito ay alukin ng visa processing ang Foreign National at saka sisingilin ng P20,000
Samantala, ibayong pag-iingat ang paalala ng BI hindi lamang sa mga dayuhan kung hindi pati na rin sa mga kababayan nating Pilipino lalo’t naglipana ang internet scam.