Dagdag-bawas sa oil products, namumuro sa susunod na linggo

Asahan na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Burea (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero, magkakaroon ng parehong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo, batay sa apat na araw na trading mula July 3 hanggang 6 ngayong taon.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sa pagtataya, posibleng mabawasan ng P0.30 hanggang P0.50 kada litro ng gasolina.

Sa diesel naman, mayroong tinitingnang P0.30 hanggang P0.50 na price hike kada litro; habang P0.30 hanggang P0.50 rin sa kada litro ng kerosene.

Sinabi ni Romero na ang rollback ay dahil pa rin sa monetary policy na ipinatupad ng mga central banks ng malalaking bansa upang tugunan ang inflation; habang ang pagtaas naman ay ini-ugnay sa output cut ng Kingdom of Saudi Arabia para sa Hulyo na kasabay ng Russia at Algeria sa Agosto.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Araw ng Lunes ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, habang Martes naman ito magiging epektibo.