Huling isda sa ilang bahagi ng Cavite, ‘di pa rin ligtas kainin

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi pa rin lahat ng mga huling lamang dagat mula sa mga baybayin sa Cavite ay ligtas para kainin ng publiko.

Kasunod nga ito ng nagyaring oil spill sa bahagi ng Bataan.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Una na kasing nakapasa sa nakapasa sa sensory evaluation ang mga sample ng isda na nagmula sa dagat ng Naic, Ternate, Kawit at Maragondon.

Sa kabila nito, may limang samples pa mula sa ibang bahagi ng baybayin sa Cavite ang ‘di pa rin ligtas.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Kabilang na rito ang mga huli sa bahagi ng Bacoor City, Cavite City, Noveleta, Rosario, at Tanza.

Sa huli, tiniyak ng BFAR na magpapatuloy ang isinasagawang on-ground assessment sa mga apektado ng oil spill.