Inter-agency meeting kaugnay ng preparasyon ng mga awtoridad sa SONA, isasagawa ngayong araw

Nasa final statge na ng preparasyon ang Philippine National Police sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ngayong araw, may isasagawang inter-agency meeting kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.

Ipe-presenta rito ang magiging latag ng seguridad sa SONA.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sinabi ni Col. Fajardo, magkakaroon na lamang ng minor adjustment sa paglalatag ng seguridad sakaling may maaprubahan na permit to rally sa grupong papayagang magkasa ng aktibidad.

Muling ipinaalala ng Pambansang Pulisya na mananatiling “no rally” zone ang Commonwealth avenue.

Nauna nang inatasan ni PNP Chief Gen Rommel Marbil ang mga pulis na magpapatupad ng seguridad sa SONA na pairalin ang maximum tolerance.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Naiis nilang mairaos ng maayos ang SONA nang walang gusot sa pagitan ng mga pulis at militante.

Pinatutukan din ni Marbil sa mga pulis na magbabantay sa SONA ang lagay ng trapiko.

Ito’y para maiwasan ang “inconvenience” ng mga tao sa dami ng deployment ng mga pulis.

Sa ngayon, wala pang banta na natatangap ang PNP sa SONA.