Kamara – handang dumipensa sakaling kuwestiyunin sa Korte Suprema ang 2025 Budget

Handa ang liderato ng Kamara at kanilang mga kaalyado na depensahan ang General Appropriations Bill para sa 2025 National Budget.

Kung maaalala, nauna nang sinabi ng Bayan Muna na ia-akyat nila ang usapin sa Korte Suprema dahil hindi sila naniniwalang dumaan sa tamang parliamentary procedure ang panukalang 2025 national budget.

Read More:  OCD on alert following magnitude 6.5 earthquake at Balut Island

Sabi ni House Speaker Martin Romualdez, karapatan naman ng Bayan Muna na gawin ito.

Sa kabila nito, handa pa rin daw silang depensahan ang budget laban sa mga kume-kuwestiyon dito.

Read More:  INC rally pushes through with permit as up to 100,000 expected in Quezon City

Giit ni Romualdez, ang ₱6.352 trilyong budget ay sinuri ng mga mambabatas at dumaan naman sa normal na proseso.

Dagdag pa niya, kung may course of action ang sinumang grupo ay magkita na lamang sila sa Korte Suprema.