Sinubukang intindihin ni Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform Chairperson, Senador Cynthia Villar sa naganap na pagdinig ang ahensya ng gobyerno na dapat maging responsibilidad sa naging pag-roll out ng African Swine Fever (ASF) vaccine sa bansa.

Ito ay matapos sabihin ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairperson, Rosendo So na mayroong 300,000 na ASF vaccine mula Vietnam ang ibinebenta sa merkado kahit hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).
Kaugnay nito, kinwestyon din ni Villar ang ginawang aksyon ng Bureau of Animal Industry na clinical trial ng nasabing vaccine.
Ayon sa senadora, dahil sa mga ganitong aksyon ay nagmumukhang kahiya-hiya at bobo ang bansa, na noon naman ay best in agriculture.
Maalala, pinanawagan ni So ang agarang pag-imbestiga rito dahil nangangamba umano sila na baka mas pinakakalat nito ang ASF sa bansa.