BFP may paalala upang maiwasan ang sunog sa mga bahay- bahay

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Bureau of Fire protection sa publiko upang maiwasan ang mga nangyayaring sunog lalo na sa mga bahay- bahay.

Ayon kay  Fire Inspector Socorro Tabaniag, Municipal Fire Marshal ng bayan ng Basud, kaya umano sila ngayon bumababa sa komunidad lalo na sa mga bahay- bahay ay upang higit na maturuan ang mga tao na maiwasan ang sunog.

May mga bagay umano na hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin pero madalas ay nagiging dahilan ng sunog.

Ilan sa mga binanggit ni Tabaniag ay ang paglalagay ng kurtina sa kusina.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Aniya, hindi advisable na maglagay ng kurtina sa kusina ng bahay dahil pwede itong pagmulan ng sunog.

Maging ang mga ginagamit umanong pot holder sa kusina ay posibleng pagmulan ng sunog kung hindi magiging maingat sa pagamit.

“Huwag nang maglagay ng kurtina sa kusina, kahit kurtina, kahit anong masusunugin, basahan minsan mga pat holders natin nakasabit talaga yan eh, tapos minsan kasi delikado yan pag lumakas yung apoy lalo na pag nagpi -prito pwedeng maabot yun, pwedeng magkaroon ng sunog,” ani Tabaniag.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Lingid din sa kaalaman ng marami posibleng pagmulan ng sunog ang mga natirang mantika o ang mga tumatalsik sa hose ng LPG galing sa niluto kaya dapat umano itong linisang mabuti.

Pwede kasi itong kagatin ng daga kaya nabubutas ang hose at pag sumingaw ay maaaring pagmulan ng sunog.

Delikado rin aniya ang pagamit ng mga  substandard na extension wire.

Madali raw kasi itong uminit na pwedeng pagmulan din ng sunog.

Sa mga appliances naman sa bahay ang electric fan aniya ang pinakanagungunang dahilan ng sunog.