Palakang may pahabang ilong, bagong specie na nadiskubre sa Amazon Rain forest

Nadiskubre ang isang palakang may pahabang ilong na gaya sa isang hayop na tapir na tinatawag na “Synapturanus danta” sa Amazon Rainforest.

Natagpuan ito sa mababang parte ng Putumayo basin sa Loreto, Peru na isa sa pinakamalaking conservation scheme ng Keller Science Action Center at ng iba pang partner groups nito.

Nakatulong ang pag huni nito na tunog “beep beep” sa paghahanap ng palakang sinasabing isang herbivorous amazonian mammal.

Mayroon itong curved-down snout kagaya ng isang tapir, dark brownish-red skin, blobby body at may sukat na 0.7 inch o 1.79cm.

Ayon sa mga researchers, isang malaking conservation opportunity ang lugar na isa sa mga huling free flowing rivers at wala pang dams upang ma conserve ang corridor, watershed at iba pang kalapit na lugar.

Ang tapir frog ay patunay kung bakit kailangan magtulungan an mga scientist at lokal na mamamayan na protektahan ang lugar.### ANGELICA BUBAN, Intern