BFP Labo, may paalala para sa iwas sunog ngayong Fire Prevention Month

CAMARINES NORTE- Nanawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) Labo na iwasan ang anumang mga maling gawain na maaaring pagmulan ng sunog.

Ito ang Binigyang diin ni Deputy Provincial Fire Marshal at ngayon ay Municipal Fire Marshal ng Labo BFP na si  CINSP ADONIS D. OSEA kaugnay sa pagsisimula ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Ayon kay CINSP OSEA, karaniwan kasi sa mga madalas pinagmumulan ng mga sunog ang octopus connection sa kuryente gayundin ang pagkakaroon ng short circuit ng appliances sa mga bahay at establisyemento.

Ayon pa sa Opisyal, maaari din pagmulan ng sunog ang mga naiwang kandila o tukarol, napabayaang sigarilyo maging ang naiwang niluluto o naiwang bukas na appliances.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Abiso ni CINSP OSEA na kapag may sunog ay agad lumabas ng bahay at huwag magkulong sa banyo , Tumawag agad ng mga otoridad mula sa BFP.

Ayon pa sa kanya, ngayong Fire Prevention Month ay mas maraming naitatalang insidente ng sunog  sa bawat taon dahil na rin sa mainit na panahon.