BFAR, tiniyak ang mga malakas na operasyon vs pagbebenta ng imported na isda sa merkado

Hindi papalampasin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga importers na responsable sa paglaganap ng frozen fish sa mga palengke nang walang nararapat na dokumentasyon.

Ayon kay BFAR Information and Fisherfolk Coordination Unit head Nazario Briguera Nazario Briguera, susuyurin ng ahensya ang imported na pompano at pink salmon na ibinebenta sa wet markets simula sa December 4.

Ito ay para maprotektahan ang produksyon ng isda at ang buong industriya ng local fishing.

Dagdag ni Briguera, pananagutin nila ang sino mang importers na nasa likod ng ganitong gawain.

Sa isang interview, kinumpirma ng spokesperson ng BFAR ang Fisheries Administrative Order No. 195 na nai-issue noong taong 1999, na nag-uutos na i-ban ang mga imported na pampano o pink salmon sa wet market.

Muli ring ipinaliwanag ni Briguera na matagal nang epektibo ang nasabing administrative order para maging gabay sa pag-import ng frozen fish sa institutional buyers at hindi sa wet markets.

READ MORE:

Samantala, binigyan ng tatlong araw na palugit ng Ombudsman ang BFAR upang magpaliwanag kung bakit nagkaroon ng delay sa implementasyon ng AO.

Sa huli, sinabi ni Briguera na ang reports mula sa importers ay hindi akma.

Sinisigurado naman ‘di umano ng BFAR na ang mga produktong maibebenta sa wet market ay ligtas, tunay, at dumadaan sa tamang documentation.
#

HOUSE INVESTIGATION

Pinaiimbestigahan ni Cavite Representative Elpidio Barzaga sa Kamara ang ginagawang pag-crackdown ng BFAR sa bentahan ng mga imported na pink salmon at pompano sa mga pampublikong pamilihan sa bansa.

Sa inihang House Resolution No. 600 ng mambabatas, nakasaad dito na dapat mabusisi at malaman ang tunay na naging basehan ng BFAR para sa kanilang crackdown.

Layon din nito na mabatid kung mayroong naging paglabag sa konstitusyon o diskriminasyon at kung ang kasalukuyan nilang ipinatutupad ay magdudulot lamang ng iba’t-ibang krimen kagaya ng smuggling, graft at korapsyon.

Bukod dito, sinabi pa ng kongresista na dapat matukoy kung ang pagbabawal ba ng BFAR ay direkta lamang sa mga lokal na fish vendors.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *