Kinasuhan ng Valenzuela City prosecutors si former Energy secretary Alfonso Cusi ng cyber libel kaugnay ng isang pahayag na makikita sa website ng Department of Energy noong Pebrero.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong isinumite ni Senator Sherwin Gatchalian kasunod ang issuance of a statement ni Cusi matapos umabot sa Ombudsman ang Senate resolution na nagrerekomendang mag-file ng kaso laban kay Cusi at iba pang mga opisyal.
Ayon kay Cusi, mas pinipili ni Gatchalian na pakinggan ang adversarial business interest.
Sagot naman ni Gatchalian na ang pahayag ni Cusi ay may halong malisya na tumitira sa kanyang reputasyon at integridad, gayundin sa imbestigasyon ng senado sa committee on energy.
Pinabulaanan naman ni Cusi ang sinabi ng senador, at iginiit na hindi mapanira o defamatory ang kanyang pahayag, kundi purong kritisismo sa imbestigasyon ng senado.
Samantala, sinabing “flimsy” o mahina at mababaw ng prosecutors ang nasabing argumento.
Ayon sa resolusyon, nangangahulugan pa rin na ang defamatory statements ay nakabase sa maling alegasyon.
Sinasabi rin nito na hindi na tungkol sa pagkalegal o pagkailegal ng post, kung ‘di ang posibilidad na maging korap, manloloko, singungaling, at abusado ni Gatchalian.
#
