CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng Capability bulding kaugnay sa Balik Sigla sa Ilog at Lawa o BASIL program ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Biyernes, June 16 sa dalawang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte.
Kasabay din nito ang pagdaraos ng Law Enforcement Training na ginawa sa Jose Panganiban at Labo.
Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam ang Ponso Dam Fisherfolk sa Barangay Sta Cruz, Jose Panganiban ang dumalo sa naturang aktibidad at isinailalim sa Law Enforcement Training.
Idinaos din ang parehong aktibidad sa Barangay Bulhao sa bayan ng Labo kung saan ang Bulhao SWIPs Association and Rural Improvement Club ang nakilahok.
Ginawa ang aktibidad upang magkaroon ng kamalayan ang mga participant at para alam ng mga ito ang gagawin kapag may mga makikitang paglabag sa fishery law.
Layunin ng BASIL program na muling buhayin ang mga lawa at ilog sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga katutubong isda sa mga ito .
Tugon din umano ito ng ng Departme nt of Agriculture sa pamamagitan ng BFAR sa umuunti nang populasyon ng mga isda dahil na rin sa paggamit ng mga kemikal at iba pang ilegal na pamamaraan.
Maliban sa ilegal fishing activities nagkaroon din ng overfishing dahilan upang bumaba ang produksiyon ng isda.
