LEGAZPI CITY – Nagtapos kahapon ang mahigit 600 basic at advance ROTC cadets sa isinagawang ROTC Graduation and Turnover of Command Ceremony sa bayan ng Daraga, Albay.
Sa kabuuan, 693 ang bilang ng mga kasama sa nasabing seremonya, kung saan 679 dito ay mga basic cadets, habang 14 naman ang advance ROTC cadet officers.
Ilan sa mga naging pangunahing panauhin ay sina Hon. Ramon Rodrigo L. Gutierez na nagsilbing Guest of Honor at COL. Rodel Tan (GCS) PA, Commandant.
Dumalo rin dito si Mayor Awin Baldo, kung saan siya ay nagbigay ng mensahe at isinaad na mahalaga ang pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod lalo na sa pagbibigay serbisyo sa bansa.