Pagbabasbas sa mga haligi ng tahanan tampok sa Father’s Day celebration kahapon

CAMARINES NORTE – Pinangunahan ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang pagbabasbas sa mga haligi ng tahanan kahapon sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ama sa Holy Trinity Cathedral.

Ipinagpaliban muna ang nakagawiang “Blessing of Children” upang bigyang daan ang Father’s Day  celebration.

Sa kaniyang homily binigyang pagkilala ni Bishop Alarcon ang mga haligi ng tahanan dahil sa mga sakripisyo nito sa pagtataguyod ng pamilya.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hindi rin umano limitado ang pagiging Ama sa kasarian dahil may mga ina na nagsisilbi na ring Ama at may mga lalaki naman na Ama at ina na rin sa kanilang anak.

Ipinaalala naman ng Obispo sa mga magulang na huwag gawing “photocopy” ang kanilang mga anak.

Ayon kay Alarcon na siya ring Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Youth na ang mga bata ay may sariling identity at hindi dapat ipilit ng mga magulang ang kanilang kagustuhan para sa kanila.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

May mga pagkakataon daw kasing ipinipilit ng magulang na gustuhin ng kanilang mga anak ang kanilang mga kagustuhan.

Aniya “ unique” ang bawat tao at mayroon itong sariling mga katangian.

Ang importante umano ay magabayan ng tama ang mga kabataan