Mataas na bilang ng recoveries at death sa COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Nagtala ng mataas na bilang ng mga bagong recoveries sa COVID-19 ang Bicol region na umabot sa 377.

157 nito ay mula sa Albay, 138 sa Camarines Sur, 49 sa Camarines Norte, 18 Sorsogon at 15 sa Catanduanes.

Sa kabuuan ay pumapalo na sa 14,881 ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Samantala, pumalo na rin sa 686 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ng panibagong 15 ngayong araw. 13 nito ay mula sa Albay at dalawa naman ang nagmula sa Camarines Sur.

94 na mga bagong kaso ang nadagdag kung saan 41 nito ay nagmula sa Camarines Sur. 14 ang naitala sa Naga City, tiglima ang bayan ng Libmanan at Goa, tatlo sa bayan ng Bato, tigdadalawa ang mga bayan ng Nabua, Pili, Calabanga at lungsod ng Iriga at tig-iisa naman ang mga bayan ng Bombon, Cabusao, Caramoan, Lagonoy, San Fernando at Sipocot.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

31 bagong kaso ang nadagdag sa Albay kung saan sampo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, pito sa bayan ng Malinao, anim sa Sto. Domingo, tatlo sa lungsod ng Tabaco, dalawa sa bayan ng Daraga at tig-iisa ang lungsod ng Ligao at mga bayan ng Tiwi at Polangui.

20 kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan walo  nito ay mula sa lungsod ng Sorsogon, apat sa bayan ng Gubat, tigdalawa ang bayan ng Bulusan at Irosin at tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Bulan, Casiguran at Sta Magdalena.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Dalawang kaso naman ang nadagdag sa Camarines Norte, isa sa bayan ng Daet at isa rin sa bayan ng Paracale habang zero new cases naman antg mga lalawigan ng Catanduanes at Masbate.

Sa kabuuan, umaabot na sa 19,501 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM