Best of 3, kasado na sa pagitan ng La Salle vs San Beda

Magiging rematch noong nakaraang taong PBA D-League Aspirants’ cup finals ang muling paghaharap ng EcoOil-La Salle at Marinerong Pilipino-San Beda ngayong Huwebes sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Huling nagtapat Red Lions at Green Archers noong May 2 kung saan pinadapa ng San Beda ang La Salle sa 82-79 victory.

Kaya naman malaki ang respeto ni La Salle Assistant Coach Gian Nazario sa Red Lions na ngayon ay nasa ilalim ni Yuri Escueta.

Samantala inihayag naman ni La Salle stalwart, Kevin Quiambao at San Beda starting point guard Jacob Cortez na bagamat pinagpipilian sila para sa Most Valuable Player award, mas mahalaga para sa kanila na maiuwi ang kampeonato. // AC